Frequenty Asked Questions (FAQ)
Ano ang Mutual Benefit Association (MBA)
Ito ay isang non-stock, non-profit na Samahan na pag-aari at pinamamahalaan ng mga aktibong kasapi ng ASKI.
Legal ba ito?
Oo, sapagka't tayo ay rehistrado sa Office of the Insurance Commission (IC) at SecuritIies and Exchange Commission (SEC). Ito ang mga ahensiya ng pamahalaan na sumusubaybay sa mga gawain ng MBAs.
Sino ang maaring maging kasapi ng ASKI MBA?
Ang mga Kliyente ay aktibo kung ito ay; (a)May hiram na puhunan sa ASKI at regular na nagbabayad nito; (b) o kaya ay may impok sa CBU na hindi bababa sa Php2,000 at patuloy na nag-iimpok dito.
Ukol sa mga programmang AKP, ASA at Comdev, ang mga aktibong kliyente ay patuloy na dumadalo sa mga pagpupulong ng sentro o samahan.
Ang mga dating miyembro ng ASKI na mahigit nang 60 taong gulang subalit aktibo pa nang maitatag ang ASKI MBA, ay maaring ipagpatuloy ang kanilang pagiging kasapi sa Samahan hanggang bago sumapit ang kanilang ika-66 na taong gulang.
Tandaan: Ang mga bagong kasapi ay sakop ng isang taong paghihintay o waiting period. Subalit ang mga kasapi na mahigit nang isang taong kliyente ng ASKI at dating nakaseguro sa programang microinsurance nito ay hindi na sakop ng nasabing waiting period.
Sino ang sakop ng Seguro?
Ang kasapi at ang mga sumusunod na lehitimong kaanak; (a)Legal na asawa, (b)Unang tatlong (3) lehitimong anak/legal na ampon na wala pang 21 taong gulang at wala pang asawa, o mahigit na 21 taong gulang, ngunit may kapansanan, walang asawa at walang kakayahang maghanapbuhay.
Para sa mga sanggol na wala pang idad na isang (1) taon na kasama sa unang tatlong anak, ang ASKI MBA ay magbabayad ng benepisyo kung ang sanggol ay namatay makalipas ang 90 araw mula sa petsa ng kapanganakan nito.
Para sa mga sanggol na wala pang idad na isang (1) taon na kasama sa unang tatlong anak, ang ASKI MBA ay magbabayad ng benepisyo kung ang sanggol ay namatay makalipas ang 90 araw mula sa petsa ng kapanganakan nito.
Mga hindi sakop ng Seguro?
Anu-ano ang mga kailangang dokumento sa pagiging kasapi?
Sa loob ng 30 araw o sa paghahain ng aplikasyon sa pagiging kasapi, kinakailangang maisumite ng isang kasapi ang mga sumusunod na dokumento; (a)Marriage Contract, (b) Birth Certificates ng kasapi at legal na anak na wala pang 21 taong gulang.
Ang hindi pagsumite ng mga nasabing dokumento ay hindi nangangahulugan ng di pagtanggap ng aplikasyon. Ito ay mangangahulugan lamang ng pagkabalam ng pagbibigay ng benepisyo.
Ang hindi pagsumite ng mga nasabing dokumento ay hindi nangangahulugan ng di pagtanggap ng aplikasyon. Ito ay mangangahulugan lamang ng pagkabalam ng pagbibigay ng benepisyo.
Magkano ang kontribusyon?
Hanggang kailan magbabayad ng kaukulang kontribusyon?
Hangga't aktibong miyembro ng Samahan ng ASKI MBA.
Anu-ano ang obligasyon ng isang kasapi?
Magkano ang benepisyo ng isang kasapi?
Upang mapanatiling mababa ang kontribusyon at mapangalagaan ang pondo ng Samahan, sa loob ng unang taon ng pagiging kasapi (1year waiting period) o anim (6) na buwan mula sa petsa ng reinstatement (pagiging aktibong muli) ng isang kasapi, ang ASKI MBA ay walang pananagutan sa anumang kawalan dulot ng pagkamatay o pagkabaldado, maliban na lamang kung ang sahin nito ay isang aksidente. Sa halip ang benepisyong matatanggap ay DALAWANG LIBONG PISO (Php 2, 000) kung ang kamatayan/pagkabaldado ay nangyari bago sumapit ang ikatlong (3) buwan ng pagiging kasapi at LIMANG LIBONG PISO (Php 5, 000) kung ang kawalan ay nangyari mula sa ikatlong (3) buwan hanggang bago sumapit ang isang (1) taon ng pagiging kasapi.
Tulad ng nakalahad sa itaas, sa loob ng isang taong paghihintay (1year waiting period) o anim (6) na buwan mula sa petsa ng reinstatement ng isang kasapi, ang ASKI MBA ay walang pananagutan sa anumang kawalan sanhi ng pagkamatay, maliban na lamang kung ang sanhi nito ay isang aksidente.
Ano ang aksidente?
Ang aksidente ay isang pangyayari na may mali at hindi inaasahan o sinasadya ang kaganapan (Tagalog Wikipidia). Mga Halimbawa: (a)Banggaan ng magksalubong /magkasunod na sasakyan o ng mga naglalakad sa magkabilang direksiyon ng daan/Pagkasagasa, (b)Pagkadapurak ng isa o mahigit pang hayop (animal stampede), (c)Pag-atake/pagkagat ng hayop (Animal attack) na may dalang lason/venom/rabbies (Hal. Aso, ahas, alakdan), (d)Pagkadapurak sanhi ng stampede, (e)Pagkahulog ng tao (di sinasadyang pagbagsak), (f)Maling pagbagsak mula sa pagtalon, (g)Pagkadulas, (h)Pagkatusok sa isang matulis o matalas na bagay, (i)Pagkalunod, (j)Pagkakuryente, (k)Pagkasunog, (l)Tinamaan ng kidlat, (m)Tinamaan ng nahulog na bagay o nabagsakan, (n)Tinamaan ng ligaw na bala, (o)Naputukan o nasabugan nang di sinasadya (paputok, baril, bomba, dinamita), (p)Pagkalason ng di sinasadya, (q)Pagkabulunan (choked)
Tandaan: Ang bangunot ay hindi aksidente dahil ito ay sanhi ng sakit sa pale (pancreatitis).
Ano ang taning ng Seguro?

Kailan magsisimula o ganap ang pagiging kasapi?
Paglilipat ng Sertipiko ng Pagiging kasapi.
Hindi kailanman pinahihintulutan ng samahan ang paglilipat ng pagmamay-ari ng Sertipiko ng Pagiging Kasapi.
Ano ang REFUND OF CONTRIBUTION?
Sa pagtiwalag sa Samahan, ang isang kasapi na may 3 o higit pang taon ng patuloy na pagiging aktibong kasapi ay maaaring tumanggap ng limampung bahagdan (50%) ng kanyang kabuuang kontribusyon sa Life Insurance matapos bawasin ang lahat ng benepisyong nakuha na na.
Mahalagang Paunawa: Ito ay ibibigay lamang sa kasaping aalis na sa Samahan.
Mahalagang Paunawa: Ito ay ibibigay lamang sa kasaping aalis na sa Samahan.
Kailan nagtatapos ang pagiging miyembro ng ASKI MBA?
Benefits Table
